December 16, 2025

Home BALITA

Depensa ni Gretchen Barretto: 'Di pagbigay ng suhol, dahilan ng pagdawit sa kaniya sa isyu

Depensa ni Gretchen Barretto: 'Di pagbigay ng suhol, dahilan ng pagdawit sa kaniya sa isyu
Photo courtesy: Gretchen Barretto (FB), Screenshot from 24 Oras/YT

Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang aktres na si Gretchen Barretto kaugnay ng kinasasangkutang isyu ng mga nawawalang sabungero.

Sa pahayag na inilabas ng kaniyang kampo nitong Biyernes, Hulyo 4, 2025, mariin sinabi na wala raw alam ang aktres sa pagkawala ng tinatayang mahigit 100 sabungero pinaniniwalaang itinapon sa Taal Lake.

Matatandaang nagbigay-mensahe si Julie Dondon Patidongan o alyas Totoy kay Barretto kamakailan na umamin na lamang daw ang aktres at makipagtulungan sa imbestigasyon.

KAUGNAY NA BALITA: 100% may kinalaman daw! Alyas 'Totoy' may mensahe kay Gretchen Barretto

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

“To be clear: Ms. Barretto has only heard about, hence has no relevant knowledge concerning, the disappearances. She did not operate the sabungan, had no participation in e-sabong operations that was suspended more than 2 years ago, and was merely an investor in the business," ani Atty. Alma Mallonga. 

Pinuna rin ng kampo ng aktres ang mga wala umanong basehan na paratang ni Patidongan laban sa kaniya.

“While he has not witnessed anything that Ms. Barretto has said or done, the whistleblower maliciously speculates she must nonetheless somehow be involved because of her close connection with Mr. Atong Ang,” anila. 

Dagdag pa ng kampo ni Barretto, pera lamang din ang ugat ng pagkakadawit sa aktres matapos siyang tumangging magbigay ng pera sa hindi pinangalanang tao.

“Ms. Baretto confirms there was an attempt to extort moneys from her, with an offer to exclude her name from the list of suspects if she paid. She refused because she had done nothing wrong.” 

BASAHIN: 'Sooner or later!' Atong Ang, Gretchen Barretto, posibleng masampahan ng kaso—DOJ