December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Cristy, Lolit nagkakatampuhan: ‘Di ‘yon naging sapat para masira ang aming pagkakaibigan’

Cristy, Lolit nagkakatampuhan: ‘Di ‘yon naging sapat para masira ang aming pagkakaibigan’
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT)

Binigyang-pugay ni Cristy Fermin ang kapuwa niya batikang showbiz columnist na si Lolit Solis na namayapa nitong Biyernes, Hulyo 4.

MAKI-BALITA: Lolit Solis, pumanaw na

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nito ring Biyernes, sinabi ni Cristy na hindi umano nakasira sa kanilang pagkakaibigan ang pagkakaiba nila ni Lolit ng opinyon sa maraming pagkakataon.

“Alam n’yo po na may mga pagkakataon…na nagkakaroon po kami ng pagkokontrahan ni Manay Lolit ng mga opinyon. Pero hindi po ‘yong naging sapat para masira ang aming pagkakaibigan,” saad ni Cristy.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Dagdag pa niya, “Marami pong pagkakataon na ako ay nagtampo sa kaniya, nagtampo din siya sa akin. Pero hindi po natin maaaring alisin ‘yong mahabang panahon ng aming pinagsamahan.”

Matatandaang minsan nang nagkasagutan ang dalawa noong Hunyo 2023 dahil lagi umanong “pinipitik” ni Cristy ang alaga ni Lolit na si Paolo Contis.

MAKI-BALITA: 'Sana constructive!' Lolit sinita si Cristy, bakit laging 'pinipitik' alagang si Paolo

Sinagot naman isa-isa ni Cristy ang mga pinakawalang isyu ni Lolit laban sa kaniya tulad ng pamemersonal umano nito kay Kapuso star Bea Alonzo.

MAKI-BALITA: Cristy sinagot patutsada ni Lolit; 'pinamukha' pamemersonal kay Bea Alonzo