December 13, 2025

Home BALITA

Cristy Fermin, naluha sa mensahe ni Lolit Solis

Cristy Fermin, naluha sa mensahe ni Lolit Solis
Photo Courtesy: Screenshots from One News PH (YT)

Emosyunal na binasa ni Cristy Fermin ang mensahe ng kapuwa niya batikang showbiz columnist na si Lolit Solis na namayapa nitong Biyernes, Hulyo 4.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nito ring Biyernes, nakalagay sa mensahe ni Lolit ang pasasalamat niya kay Cristy at kung gaano siya kasaya sa narating nilang dalawa sa buhay.

“Salamat, mahal kong Cristy. I leave by the day pero happy na ako sa mga narating natin at nagawa sa buhay. Basta ingat ka rin at marami ka pang matutulungan,” basa ni Cristy sa mensahe ni Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “‘Yong pagmamahal natin, hindi na ‘yon mawawala. Matibay na ‘yon sa tagal ng panahon. Basta ingat ka at text lang ‘pag kailangan mo ako mahal kong Cristy.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon kay Cristy, may mga pagkakataon daw na nagkakatampuhan sila ni Lolit. Ngunit hindi umano ito nakasira  sa kanilang pagkakaibigan.

Matatandaang minsan nang nagkasagutan ang dalawa noong Hunyo 2023 dahil lagi umanong “pinipitik” ni Cristy ang alaga ni Lolit na si Paolo Contis.

MAKI-BALITA: 'Sana constructive!' Lolit sinita si Cristy, bakit laging 'pinipitik' alagang si Paolo

Sinagot naman isa-isa ni Cristy ang mga pinakawalang isyu ni Lolit laban sa kaniya tulad ng pamemersonal umano nito kay Kapuso star Bea Alonzo.

MAKI-BALITA: Cristy sinagot patutsada ni Lolit; 'pinamukha' pamemersonal kay Bea Alonzo