December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Babaeng fetus, itinapon sa kangkungan!

Babaeng fetus, itinapon sa kangkungan!
Photo courtesy: Contributed photo

Isang bangkay ng anim na buwang babaeng fetus na nakasilid sa karton na itinapon sa kangkungan ang natagpuan sa Barangay Estefania, Bacolod City.

Ayon sa mga ulat, ilang residenteng maliligo sana sa ilog malapit sa kangkungan ang nakakita ng naturang kahon. Agad umanong nagsuspetiya ang mga ito kaya binuksan nila ang nasabingkahon.

Doon na raw tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng fetus kung saan kumpirmadong nakadikit pa raw ang pusod nito.

Agad namang ipinagbigay-alam ng nakakitang residente sa kanilang barangay ang tungkol sa bangkay.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, habang tuluyan namang nailibing sa pampublikong sementeryo ang fetus matapos itong misahan.