December 15, 2025

Home BALITA

15 pulis na sangkot umano sa missing sabungero, ‘under restricted duty’ na!

15 pulis na sangkot umano sa missing sabungero, ‘under restricted duty’ na!
Photo courtesy: Manila Bulletin, Pexels

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na “under restricted duty” na ang tinatayang 15 pulis na sangkot umano sa pagpatay sa mga nawawalang sabungero.

Sa pagharap ni Remulla sa media nitong Biyernes, Hulyo 4, 2025, paraan daw ‘yon upang hindi na raw makapanakit ang mga sinasabing sangkot na pulis.

“Restricted duty na sila. They have to report already to offices para doon na sila. Para hindi na sila makasakit,” anang Justice secretary.

Matatandaang si Julie Dondon Patidongan o alyas “Totoy” pa rin ang nagsiwalat na sangkot umano ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa pagpatay ng mga sabungerong nandadaya sa sabong.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

KAUGNAY NA BALITA:Torre sa mga pulis na umano'y sangkot sa isyu ng missing sabungeros: 'Everyone is protected!

Sa ilalim ng restricted duty, hindi maaaring isabak sa kahit na anong field operations ang naturang 15 pulis at mananatili lamang sila sa mga office work.