December 13, 2025

Home BALITA

'Sooner or later!' Atong Ang, Gretchen Barretto, posibleng masampahan ng kaso—DOJ

'Sooner or later!' Atong Ang, Gretchen Barretto, posibleng masampahan ng kaso—DOJ
Photo courtesy: MB file photo

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkonsidera nilang  kilalanin bilang mga suspek ang businessman na si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto sa isyu ng mga nawawalang sabungero.

Sa panayam ng media kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes, Hulyo 3, 2025, iginiit niyang patuloy ang ebalwasyon upang magkaroon ng formal complaint laban kina Ang at Barretto.

“Sooner or later, it will happen,” ani Remulla. 

Dagdag pa niya, “I-eevaluate 'yan ng fiscals, ng ating group of fiscals who will be assigned to evaluate all the evidence, so that we will know what cases to file properly.”

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

Saad pa ni Remulla, kailangan daw magkaroon ng elements of crime na magsisilbing pruweba sa mga alegasyong ibinabato kina Ang at Barretto.

“Kasi syempre may specific cases 'yan na kinakailangan na magkaroon ng elements ng crime na puwede naming i-proof, as prosecutors,” anang Justice Secretary.

“Pinangalanan sila, then, we'll have to include them as suspects,” aniya.

Matatandaang noong Miyerkules, Hulyo 2, nang iere ng 24 Oras ang panayam nila sa whistleblower na si Julie Dondon Patidongan o alyas “Totoy” na diretsahang nadagwit kina Ang at Baretto, kabilang ang dalawa pang indibidwal na nasa likod daw ng pagpatay sa mahigit 100 mga sabungero.

KAUGNAY NA BALITA:  Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero

Samantala, nitong Huwebes din nang nagsumite ng affidavit ang kampo ni Ang at iginiit na pawang pera-pera lang daw ang katumbas ng mga ipinaparatang sa kanila.

“Si Dondon makikita mo talaga utak n'ya eh, I think pera-pera lang talaga ang habol n'ya. Isipin mo sinasabi n'ya pati kagabi. Bigyan siya ng pera kasi tatakbo na raw. Akala mo yung ginawa n'ya pwede niyang takbuhan nang bigla, hindi ganun eh,” ani Atong.

KAUGNAY NA BALITA: Buwelta ni Atong Ang kay alyas 'Totoy:’ Pera-pera lang!