Pinusuan ng fans at supporters ang sweet anniversary message ng celebrity couple na sina two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at social media personality-singer na si Chloe San Jose, na nagdiriwang ng kanilang 5th anniversary.
Kasabay ng pag-update ni Caloy sa kaniyang profile photo kung saan makikita ang selebrasyon nilang dalawa, mababasa ang naging post ng atleta kung gaano niya kamahal si Chloe.
"Happy 5th anniversary mahal ko!" ani Carlos.
"Mula sa palitan ng mga matatamis na salita papunta sa mga matatamis mong labi, sa mga yakap mong hinahanap ko palagi. Sa presensya mong nakakahawa ng saya at pag mamahal mong walang katumbas. Dati sa cellphone lang kita nakakausap at nakikita, ngayon araw araw na tayong magkasama thank you G!"
Nagpasalamat si Caloy sa "regalong anghel" na ipinadala raw sa kaniya, na naging dahilan daw kung bakit siya napalapit pa lalo sa Kaniya.
"Lord God marami pong salamat sa regalo nyong anghel na nagsilbing gabay para matuto, maging mabuti, magmahal at higit sa lahat mas mapalapit SAYO."
"Aalagaan, mamahalin at poprotektahan ko po ang lahat ng ito. Grateful and thankful po ako sa mga challenges and blessings na binibigay nyo po para mas patatagin at mas mahalin pa namin ng husto ang isa’t isa."
"Muli, maligayang anibersaryo sa atin mahal ko mahal na mahal kita," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Carlos, ipinagwagwagan pagmamahal kay Chloe sa 5th anniversary nila
At hindi rin naman nagpahuli si Chloe pagdating sa anniversary post para sa kaniyang sinta.
"5 years?? That’s half a decade of love, laughter, lessons, and leaning on each other."
"I still can’t believe how fast time flew, like what we always ask each other, "sabi nila bumabagal daw yung oras pag mag kasama, bakit yung sa atin ang bilis?!"
"I’m so grateful to the universe for writing this life with you in it. We’ve grown so much and have been through a lot, individually and as a team and I’m just really proud of us, mahal. Thank you for making love feel safe and steady."
"Happiest 5th anniversary, dada!! Here’s to more years of choosing each other: on the good and hard days, more memories and random "let's book a flight" moments and everything in between."
"My heart is forever yours, my baby. I love you, eternally and always," aniya pa.
Samantala, ang ibang netizens naman, may ibang napansin sa mga larawan ng dalawa.
Kung saan-saan daw nakahawak ang kamay ni Chloe sa katawan ng kaniyang Dada Caloy ha!
Pati ang social media personality na si "Senyora" ay napakomento pa nga rito.
"Yung kamay mo Chloe!! Magagalit ang mga naka Losartan" hirit ni Senyora.
Reply naman ni Chloe, "Senyora losartan ang next mo ipa-bayong!!!"
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Nakakaintriga kung saan nakapatong yung kamay haha."
"Lower po..."
"Konting baba pa sana yung kamay ateng Chloe"
"Kapit eh hahaha"
"Nako magagalit nmn mga matatanda."
Sa kabilang banda, mas marami pa rin ang nagsabing natutuwa at masaya sila sa relasyon ng dalawa at sana raw ay magtagal pa sila.