Ibinahagi ni dating National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Monteguado, kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang ilang larawang kuha sa loob ng eroplano bago dalhin ang dating pangulo sa The Hague, Netherlands matapos ang pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 2025.
Ayon kay Monteguado, ang mga larawan ay kuha ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea at ibinahagi lamang sa kaniya kamakailan.
“These are my last photos with FPRRD… I never thought I’d have a photo with him on that plane,” ani Monteguado sa isang pahayag na ibinahagi niya sa social media.
Si Duterte, na sinampahan ng kaso sa ICC kaugnay ng mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng kaniyang kampanya kontra-droga o war on drugs.
Kuwento ni Monteguado, siya ang huling miyembro ng grupo na nakasama ni Duterte sa loob ng eroplano bago ito lumipad. Aniya, humiling siya sa mga awtoridad na payagan siyang makapasok upang makapanalangin kasama ang dating pangulo.
“FPRRD had earlier requested Torre to lead a prayer while we were in the PAF lounge but while Torre said yes, he never did,” paglalahad ni Monteguado. Kaya’t bago ang paglipad ng eroplano, siya na mismo ang nanguna sa panalangin.
“We all bowed our heads and closed our eyes and I lead a prayer. I prayed that the Lord will show us his grace and mercy… and that God would keep FPRRD safe.”
Hindi napigilan ni Monteguado ang kaniyang emosyon habang nananalangin. "This was the first time I felt emotional throughout the ordeal since we landed at NAIA rom HK. Tears flowed from my eyes as I prayed."
Matapos ang kanilang panalangin, sinabi ni Duterte sa kaniya, “It’s ok, Alex, I’ll be alright. I’m ok.”
Buong puso raw ang pasasalamat at paghanga ni Monteguado sa dating pangulo. Isang karangalan daw na mapagsilbihan si Duterte.
“This is the man, the President whom I served. It was indeed an honor! And I will always stand proud having served a man who had the courage to do what had to be done for the good of the ordinary people—at any cost!”
Tinapos ni Monteguado ang kanyang pahayag sa isang mensahe ng pag-asa: “We miss you, Mayor/PRRD. And we are all praying that you will be free and be home soon. May the Lord bless you and keep you and let his face shine upon you," aniya pa.
Samantala, nakatakda sa Setyembre 2025 ang pagbasa ng articles sa kaso ni Duterte na kasalukuyan pa ring nasa ICC Detention Center.