January 23, 2026

Home BALITA Metro

Lalaking kinompronta dahil sa alak, nanaksak; 1 patay!

Lalaking kinompronta dahil sa alak, nanaksak; 1 patay!
Photo courtesy: Pexels

Naunsyami ang dapat sana’y inuman sa Taguig City matapos ibulsa ng lalaki ang pambili raw dapat ng alak at saka nanaksak.

Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas— news program sa News5 noong Miyerkules, Hulyo 2, 2025, isa ang naiulat na nasawi sa naturang krimen matapos kumprontahin ng biktima ang suspek na hindi raw bumili ng alak matapos ang kanilang ambagan.

Dead on arrival ang biktima nang maisugod siya sa ospital matapos magtamo ng saksak sa dibdib.

Makikita rin sa CCTV ng lugar ang unang pag-alis ng suspek matapos siyang komprontahin ng biktima. Napag-alamang doon na pala siya kumuha ng kutsilyo at saka binalikan ang biktima at inundayan ito ng saksak.

Metro

QC gov't magbibigay ng hanggang ₱160K scholarship sa mga estudyante ng Filipino, Panitikan

Patuloy naman ang panawagan ng mga naulilang kaanak ng biktima sa agarang pagsuko raw ng suspek na kasalukuyang nagtatago sa mga awtoridad.