December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaki, sinaksak pamangkin ng misis niya dahil sa selos; 2 paslit, damay!

Lalaki, sinaksak pamangkin ng misis niya dahil sa selos; 2 paslit, damay!
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang 18 taong gulang na lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng 46-anyos na asawa ng kaniyang tiyahin sa  Barangay Owak, Asturias, Cebu noong Miyerkules, Hulyo 2, 2025. 

Ayon sa mga ulat, nadamay rin sa pananaksak ang 10 taong gulang at walong taong gulang na kapatid ng biktima na kasama niya umanong natutulog sa kwarto.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinasok ng suspek ang kuwarto ng mga biktima habang sila ay natutulog at saka pinagsasaksak ang mga ito. Dead on the spot ang 18 taong gulang na lalaki na nagtamo ng magkakaibang saksak sa mukha at balikat. 

Nagawa namang makatakas ng walong taong gulang na bata at makahingi ng tulong sa kanilang kapitbahay. Nagtamo siya ng saksak sa ulo at noo habang sa likurang bahagi naman ng ulo at katawan ang tama ng kanilang 10-anyos na kapatid. 

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

Kapwa kritikal ang dalawang paslit.

Ayon pa sa mga awtoridad, selos ang pangunahing motibo na kanilang tinitingnan kung saan napag-alamang matagal na raw pinaghihinalaan ng suspek na may relasyon ang nasawing 18-anyos na binata at kaniyang misis na tiyahin ng biktima.

Isa pa raw sa tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang hidwaan sa pagitan ng ama ng mga biktima at ng mismong suspek.

Samantala, matapos tumakas sa krimen, agad na sumuko ang suspek sa isang konsehal ng barangay na siyang nag-turn over sa kaniya sa Asturias Police. Narekober sa kaniya ang 12 pulgadang kutsilyo na ginamit niya raw sa krimen.

Mahaharap sa kasong murder at frustrated murder ang suspek.