January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Asong gala sa Iloilo City, nambiktima na ng 20 katao

Asong gala sa Iloilo City, nambiktima na ng 20 katao
Photo courtesy: Pexels

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa isang asong gala sa Barangay Pali-Benedicto na nakakagat na raw ng 20 tao kabilang ang ilang bata.

Ayon sa mga ulat, makailang beses na raw sinubukan ng naturang barangay na mahuli ang aso ngunit mabilis daw itong nakakatakbo.

Nakikipagtulungan na rin ang city veterinarian sa lokal na pamahalaan para sa agarang paghuli sa naturang aso.

Samantala, nagbigay naman ng abiso ang Department of Health (DOH) na agad daw linisin ang sugat kapag nakagat, nakalmot o nadilaan ng hayop ang isang sugat; dapat itong mabilis na mahugasan at saka sabunin sa loob ng limang minuto.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), tinatayang nasa mahigit 10 milyong stray dogs ang nasa iba't ibang panig ng bansa. Aabot naman sa mahigit 200 ang naitatala ng DOH na death-related incident bunsod ng rabies na mula sa aso.