December 13, 2025

Home BALITA National

100% may kinalaman daw! Alyas 'Totoy' may mensahe kay Gretchen Barretto

100% may kinalaman daw! Alyas 'Totoy' may mensahe kay Gretchen Barretto
Photo courtesy: Screenshot from 24 Oras/Gretchen Barretto (FB)

Nag-iwan ng mensahe si Julie Dondon Patidongan alyas "Totoy" para sa aktres na si Gretchen Barretto, matapos ang pagpapangalan niya sa kanilang dalawa ni Charlie "Atong" Ang bilang mga umano'y mastermind sa pagkawala ng ilang mga sabungero, na sinasabing itinapon daw ang mga bangkay sa Taal Lake.

Sa eksklusibong panayam ni Emil Sumangil ng "24 Oras," Miyerkules, Hulyo 2, diretsahang binanggit ni Patidongan ang pangalan nina Ang at Barretto na may kinalaman daw sa nabanggit na krimen.

Pagdating naman kay Gretchen, sinabi ni alyas Totoy na 100% daw na may kinalaman ang aktres sa nabanggit na pagkawala ng mga sabungero dahil lagi silang magkasama ni Atong.

"'Yang artista na 'yan, walang iba kundi si Ms. Gretchen Barretto, 100% na may kinalaman siya at gawa na lagi silang magkasama ni Mr. Atong Ang," anang Totoy.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Mensahe pa niya kay La Greta, "Panawagan ko lang sa kaniya, para naman medyo maano siya, makipagtulungan na lang siya sa akin..."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Barretto patungkol dito. Si Ang naman ay nagsagawa na ng press conference hinggil sa mga paratang ni Patidongan laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero