December 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Whamos Cruz, nagpatistis ng luslos

Whamos Cruz, nagpatistis ng luslos
Photo courtesy: Whamos Cruz (FB)

Ibinahagi ng social media personality na si Whamos Cruz ang operasyong pinagdaanan niya, na ipinag-alala naman ng kaniyang fans at supporters.

Sa Facebook post niya noong Hunyo 30, makikita ang video ni Whamos habang nasa ospital.

Mababasa sa caption, "PINA OPERA KO ANG LUSLOS KO."

Ayon sa isang ulat ng ABS-CBN News tungkol sa luslos, nangangahulugan itong "pag-umbok ng isang parte ng katawan kapag natutulak ng organ ang isang "weak spot" tulad ng singit."

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Ito rin daw ang paglawlaw ng isang parte ng katawan kapag nawawala sa tamang lugar o linya ang organ. Tinatawag din itong "hernia."

Martes, Hulyo 1, nagbigay ng update si Whamos na tapos na ang operasyon. Nagpasalamat naman siya sa lahat ng doktor, nurses, at mga nagpadala ng mensahe ng pag-aalala sa kaniya. Special mention naman ang asawa niyang si Antonette Gail Del Rosario na nag-alaga sa kaniya.

Sa panibagong update nitong Miyerkules, Hulyo 2, sinabi ni Whamos na naka-bedrest lamang siya at nagpapagaling na.

Umabot daw sa ₱409,000 ang ginastos niya sa pagpapaopera.