Nilinaw ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga naglalabasang social media posts na umano'y sinasaktan siya ng karelasyong negosyanteng si Atong Ang na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sa Facebook post ni Sunshine noong Hunyo 30, pinabulaanan ni Sunshine ang mga fake news na nagkalat laban sa kanila ni Atong, kalakip ang screenshots ng ilan sa mga ito.
"Sharing misinformation is not advisable especially if the news comes from a questionable site. Be vigilant family and friends," aniya.
Paalala pa ni Sunshine, "Don't believe everything you read on the Internet just because there's a picture with a quote next to it."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang aktres sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Atong, matapos pangalanang umano'y mastermind sa pagkawala ng ilang mga sabungero, sa pagsisiwalat ni alyas "Totoy" o nagpakilalang si Julie Dondon Patidongan.
KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero