December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

'Pinatulan!' Lalaking naghamon ng away, sinampolan ng kapitbahay, patay!

'Pinatulan!' Lalaking naghamon ng away, sinampolan ng kapitbahay, patay!

Patay ang isang lalaki matapos siyang pagtatagain ng kaniyang kapitbahay sa Moalboal, Cebu.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News nitong Miyerkules, Hulyo 2, 2025, matagal na raw may hidwaan ang suspek at biktima na nag-ugat daw sa kambing.

Napag-alamang noong Abril nag-umpisa ang tensyon sa pagitan ng dalawa matapos daw kainin ng mga kambing ng biktima ang pananim ng suspek.

Doon na raw nag-umpisa ang paulit-ulit na paghahamon ng away ng biktima na hindi raw humingi ng tawad sa suspek bunsod ng insidenteng kinasangkutan ng kaniyang mga alagang kambing.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Hanggang sa pumatol na rin ang suspek sa pang-aamok ng biktima na nakuha pa raw mambato sa kaniyang bahay. Nauwi sa pananaga ang insindente na ayon sa suspek ay naubusan na raw siya ng pasensya.

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek matapos ang kusang-loob na pagsuko nito sa kanilang barangay. Narekober din sa kaniya ang bolo na pinaniniwalaang ginamit nito laban sa biktima.