Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa ika-96 kaarawan ng kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos, Martes, Hulyo 2.
Mababasa sa kaniyang Facebook post, "Happy 96th birthday! Your strength, grace and unwavering love continues to guide and inspire us every day. We are so grateful for you --- now more than ever."
Kalakip ng post ang collage ng mga luma at kasalukuyang larawan ni Imelda kasama siya at kaniyang pamilya, kabilang ang kapatid na si Irene Marcos.
Subalit napansin naman ng mga netizen na wala sa larawan ang ate niyang si Sen. Imee Marcos.
"Guys nakita nyo wala si Imee sa pic"
"Wala si Imee hahaha..."
"Bakit wala si ate haha"
"San si Imee?"
Matatandaang tila nagkaroon ng "gap" sa pagitan ng magkapatid matapos na pumanig si Sen. Imee sa panig ng mga Duterte, lalo na sa isyu ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).