January 30, 2026

Home BALITA

'Papasa kaya?' Anti-dynasty bill, isinusulong ng Makabayan bloc sa 20th Congress

'Papasa kaya?' Anti-dynasty bill, isinusulong ng Makabayan bloc sa 20th Congress
Photo courtesy: House of Representatives

Muling itinatangkang maisulong ang panukalang tutuldok sa dinastiya ng mga pamilyang humahawak ng iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Nitong Miyerkules, Hulyo 2,  2025, inihain ng ACT Teachers Party-list at Kabataan Party-list ang Anti-Dynasty Bill na ipagbawal ang sunod-sunod at magkakasabay na panunungkulan ng mga magkakamag-anak na politiko mula national hanggang local position.

Batay sa panukalang isinusulong, hanggang sa ikaapat na degree of consanguinity ang kanilang ipagbabawal kabilang na ang mga legitimate at illegitimate na mga kaanak.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang nasabing panukala na hindi raw ang dinastiya sa politika ang tunay umanong problema.

Probinsya

11 bangkay, narekober sa ‘search and rescue’ sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3

"Politics is not only limited during elections. I understand the merit of the proposal to ban political dynasties, but rather than exclude people, we should find ways to foster participation of Filipinos who are willing, qualified and have the competence to run for public office and serve the people. In my mind, that would be a more proactive manner of responding to political dynasties," ani Acidre.

Ayon sa ulat nong Philippine Center for investigative Journalism noong Enero 2025, tinatayang nasa 113  mula sa kabuuang 149 na cities sa bansa ang binubuo ng political dynasties.