Patay sa saksak ang isang babaeng masahista matapos siyang tumangging magbigay ng extra service sa kaniyang lalaking kliyente sa Bulacan.
Ayon sa mga ulat, natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima na nakalibing sa isang bakanteng lote.
Lumalabas sa imbestigasyon na nag-ugat ang motibo ng suspek matapos siyang sampalin ng biktima dahil sa hindi niya pagbabayad nang tama matapos siyang tanggihan sa extra service na hinihingi.
Nakitaan din ng palo sa ulo ang biktima na posible umanong hataw mula sa suspek. Kasama rin sa mga narekober ng mga awtoridad ang ilang gamit ng biktima na sinunog ng suspek.
Samantala, agad namang natimbog ng pulisya ang suspek matapos subukang magtago sa Batangas. Aminado ang suspek na kulang ang ibinayad niya sa biktima dahil hindi raw siya binigyan nito ng extra service.
Nakuha sa suspek ang cellphone ng biktima at ilang gamit na hinihinalang ginamit upang ilibing ang babae. Mahaharap siya sa kasong murder.