January 30, 2026

Home BALITA

'Literal na akyat-bahay!' Payloader na nawalan ng preno, sumadsad sa bubong ng isang bahay

'Literal na akyat-bahay!' Payloader na nawalan ng preno, sumadsad sa bubong ng isang bahay
Photo courtesy: Contributed photo

Bumulaga ang isang truck ng isang payloader matapos itong bumagsak sa bubong ng isang bahay sa Cebu City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang driver nito dahil sa pababang bahagi ng kalsda, dahilan upang dumiretso ito sa bubong ng naturang bahay.

Magkasing-taas ang bubong ng bahay at kalsada na bahagi ng isa umanong tourist spot na kinukumpuni sa lugar.

Napinsala ang kwarto ng naturang bahay at wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Probinsya

11 bangkay, narekober sa ‘search and rescue’ sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3

Kasalukuyan na ring sumasailalim sa assessment ang bahay dahil sa mga crack na tinamo nito dahil sa aksidente. Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang driver ng payloader at management ng nasabing tourist attraction sa lugar.