December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ivana Alawi, Dan Fernandez iniintrigang pareho ng disenyo ng closet

Ivana Alawi, Dan Fernandez iniintrigang pareho ng disenyo ng closet
Photo courtesy: Screenshots from Dan Fernandez (TikTok)/Ivana Alawi (IG)

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagkakaparehas daw ng disenyo ng closet sa bahay ng Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi at dating Lone District of Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez.

Nag-post kasi ang dating kongresista ng kaniyang TikTok video habang nagbibihis siya, at hindi naman naiwasan ng mga marites na mapansing tila pareho daw ang kulay at disenyo ng tiles ng sahig, pati na sa kulay ng closet sa closet naman ni Ivana na makikita sa kaniyang social media posts.

Ibinahagi rin ito sa ulat ng "Bilyonaryo News Channel" na mula naman sa mga usap-usapan tungkol sa social media platform na "Reddit."

Matatandaang kamakailan lamang ay naugnay si Ivana kay dating Bacolod City Mayor Albee Benitez, na mariin naman niyang itinatwa, at ipinagdiinan pang hindi siya homewrecker.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

KAUGNAY NA BALITA: Ivana Alawi, nakaladkad sa VAWC case ng estranged wife ni Albee Benitez

KAUGNAY NA BALITA: Ivana, sumalang sa lie-detector test; hindi homewrecker

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Alawi at Fernandez tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.