January 06, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Dating iskolar ni Sen. Kiko Pangilinan, school principal na

Dating iskolar ni Sen. Kiko Pangilinan, school principal na
Photo courtesy: Kiko Pangilinan (FB)

Isang dating iskolar ni Sen. Kiko Pangilinan ang gumagawa na ngayon ng pangalan sa larangan ng edukasyon bilang punungguro ng Jaro National High School sa Iloilo.

Sa kaniyang pagbisita sa naturang paaralan noong Huwebes, Hunyo 28, isang nakaaantig na sorpresa ang sumalubong sa dating senador: ang kasalukuyang punungguro ng paaralan na si Melanie Tabaculde ay isa pala sa mga naging benepisyaryo ng kaniyang programang pang-iskolar noong ito ay nasa kolehiyo pa.

Ayon kay Pangilinan, hindi niya inaasahan na muling makakatagpo ang isa sa mga estudyanteng tinulungan niya noon, na ngayon ay nagbibigay na rin ng serbisyo-publiko sa pamamagitan ng edukasyon.

"Lingid sa aking kaalaman na ang kanilang principal na si Melanie Tabaculde ay isa pala sa ating mga iskolar na nagtapos sa kolehiyo noong 2004!" anang Pangilinan sa kaniyang Facebook post.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

"Nakakataba ng puso na marinig ang ating naging kontribusyon sa pagpapadagdag ng kanyang skill sets."

"Maraming salamat, Ms. Melanie, sa pagbabalik sa bayan ng tulong na iyong natanggap mula sa aming tanggapan. Dahil bawat estudyanteng nahubog ng inyong serbisyo at dedikasyon ay nagpapatibay ng pundasyon ng ating bayan tungo sa malaya at maunlad na Pilipinas," anang senador.

Sa kaniyang talumpati, taos-puso namang nagpasalamat ang punungguro, na nagtapos ng Environmental Management sa University of the Philippines (UP) Los Baños sa Laguna.

Inirerekomendang balita