December 12, 2025

Home BALITA

Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero

Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero
Photo courtesy: MB File photo, screenshot from 24 Oras/YT

Diretsahan na muling idinawit ang pangalan ng negosyanteng si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto sa isyu ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Miyerkules, Hulyo 2, 2025, kabilang sina Ang at Baretto sa mga pinangalanan ni Julie Dondon Patidongan o alyas Totoy na nasa likod ng malagim na nangyari sa tinatayang mahigit 100 nawawalang mga sabungero.

Si Patidongan daw ang head ng security ng mga sabungan ni Atong at sa kaniya raw ibinababa ang utos na ipitin ang mga sabungerong mahuhuling nagchochope o nandadaya sa sabong.

"Si Mr. Atong Ang siya yung chairman ng Pitmaster, siya ang pinaka-mastermind at siya ang pinakanag-uutos na talagang iligpit 'yang mga 'yan," ani alyas “Totoy.”

Probinsya

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?

Nang tanungin naman kung sino ang artistang babaeng nauna na niyang isiniwalat na sangkot sa naturang isyu, diretsahang sinabi ni alyas Totoy ang pangalan ni Gretchen.

"'Yang artista na 'yan, walang iba kundi si Ms. Gretchen Barretto. Hundred percent na may kinalaman siya at gawa na lagi silang may kasama ni Mr. Atong Ang," aniya.

Samantala, nakatakda na umanong maghain ng complaint-affidavit si Atong laban sa mga pahayag ni Patidongan. Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag si Barretto. 

Matatandaang si alyas “Totoy” ang pinakabagong whistleblower na nagbunyag ng sinapit umano ng 34 na mga nawawalang sabungero kabilang ang ilang drug lords na ipinatumba umano ng hindi pa pinangangalanang mga suspek kabilang ang ilang miyembro raw ng Philippine National Police (PNP).

KAUGNAY NA BALITA: 34 nawawalang sabungero, ilang drug lords, itinumba at inilibing sa Taal Lake