December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Aswang na 'wakwak' nga ba ang namataan sa isang barangay sa GenSan?

Aswang na 'wakwak' nga ba ang namataan sa isang barangay sa GenSan?
Photo courtesy: Screenshots from Kuya Kim ang Dami Mong Alam via Balitambayan (FB)

Usap-usapan sa social media ang isang viral video kung saan makikita ang umano’y kakaibang nilalang na may pakpak, lumilipad palayo matapos tangkaing paluin ng isang lalaking nasa bubungan ng isang bahay.

Sa ulat ng "Balitambayan" ng GMA Network, agad na kumalat ang video, na in-upload ng residente na si Milky Tayal, at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen. Sa nasabing video, makikita ang isang malaking nilalang na may mahahabang pakpak at pulang mata na mistulang gumagapang sa bubungan bago ito lumipad paalis.

Wala namang napaulat na biktima ang nabanggit na "wakwak."

“Ngayon lang ako nakakita ng ganung kalaki. Para talaga siyang wakwak,” ani Milky sa isang panayam sa episode ng "Kuya Kim: Ang Dami Mong Alam."

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

Ayon sa kaniyang paglalarawan, ang nilalang ay may matatalas na mata, mapulang kulay, mahahabang pakpak, at mukhang tila may mahaba ring nguso. Dahil dito, marami ang agad na nag-ugnay sa nilalang sa mga kuwento ng “wakwak”—isang uri ng aswang na matagal nang bahagi ng alamat sa Visayas.

Ngunit nang ipinakita na sa kaniya ang isang uri ng paniki, nasabi ni Milky na parang kagay nito ang nakita niyang itinaboy na "wakwak."

Ayon pa sa ulat, ipinaliwanag naman daw ni Prof. Nestor Castro, isang cultural anthropologist, na ang paniniwala sa wakwak ay matagal nang bahagi ng kulturang Pilipino. Sa katunayan, napansin na raw ito ng mga mananakop na Espanyol noong ika-16 na siglo sa kanilang pagdating sa bansa. Ayon sa alamat, ang wakwak ay sinasabing nilalang na lumilipad sa gabi upang mambiktima ng tao.

Gayunpaman, sa modernong pananaw, mahirap na raw patunayan ang eksistensiya ng mga ganitong nilalang.

Sa kabilang banda, may ilang residente rin sa GenSan na naniniwalang hindi aswang ang nakita nila kundi isang uri ng higanteng paniki—ang tinatawag na flying fox.

Ang flying fox ay isang uri ng paniki o bat na kabilang sa pamilya ng megabat o fruit bat, at kilala sa pagiging pinakamalaki sa lahat ng uri ng paniki sa mundo.

Sa kabilang banda, aswang man o hindi, isang bagay ang malinaw, patuloy na buhay ang imahinasyon at paniniwala ng mga Pilipino sa mga nilalang na hindi pa rin tuluyang nabubura sa ating kultura.