January 26, 2026

Home BALITA Metro

Anyare na? Pagkawala ng 13 community cats sa isang condo sa Pasig, pinapasaklolo na

Anyare na? Pagkawala ng 13 community cats sa isang condo sa Pasig, pinapasaklolo na
Photo courtesy: Cats of Satori/FB

Patuloy ang panawagan sa social media hinggil sa sunod-sunod na pagkawala ng community cats sa isang condominium sa Pasig City.

Ayon sa grupo ng mga residenteng volunteers na Cats of Satori, noong Enero raw nag-umpisang mawala ang tatlong pusas mula sa naturang condo. Habang noong nakaraang buwan ng Hunyo nang masundan pa ang insidente ng pagkawala ng mga pusa.

Kaugnay nito, naglabas naman ng pinakabagong ulat ang grupo at sinabing natugunan na raw ng Property Management Office (PMO) ang kanilang hiling na maipa-review ang CCTV sa paligid ng condo upang matukoy ang nangyari sa mga pusa.

"The community expects accountability to go beyond words, starting with acknowledging the cats properly and addressing the situation with urgency," anang grupo.

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

Habang noong Hunyo 27 naman nang ibahagi nila na kasado na ang ₱20,000 pabuya para sa makapagtuturo ng mga nawawala raw na pusa.