Inamin ni Unkabogable Star Vice Ganda na regular silang nagsasadya ng kaniyang mister na si Ion Perez sa isang psychiatrist dahil sa mga pinagdaanan nila sa mga nakalipas na panahon.
Sa vlog ni ANC news anchor Karmina Constantino, sinabi ni Vice Ganda na nagte-therapy sila ni Ion, lalo na sa kaputukan ng isyu ng pagkakasuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa noontime show na "It's Showtime" dahil sa ginawa nila ni Ion na pagkain ng icing ng cake, sa isang segment ng show.
KAUGNAY NA BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB
KAUGNAY NA BALITA: ‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye
"Nagte-therapy kasi kami. We regularly see a psychiatrist," anang Vice Ganda.
"Kasi ang dami naming pinagdaanan na pagsubok together... imagine mo 'yong na-suspend 'yong programa namin dahil sa ginawa namin. Na para sa amin hanggang ngayon ay wala kaming nakikita na mali sa ginawa namin. Tapos nagmukha kaming kriminal, tapos nagkaroon kami ng criminal case because of that," aniya pa.
Dito ay naging emosyunal si Vice Ganda nang ikuwento raw sa kaniya ng psychiatrist kung gaano siya kamahal ni Ion. Pinagawan daw ng psychiatrist si Ion ng isang dasal, at nang matapos ito, ay puro para kay Vice Ganda raw ang laman nito.
KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, Ion sinampahan daw ng kasong kriminal ng ‘socmed broadcasters’
Dala-dala raw ni Ion ang guilt feeling sa nangyari sa programa, na pansamantalang pinalitan ng "It's Your Lucky Day."
Sa nabanggit na vlog din, sinabi ni Vice Ganda na ipaglalaban daw niya ang Showtime at hindi hahayaang lumubog ito.
KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, ‘di papayag lumubog ang 'Showtime'