December 13, 2025

Home BALITA

Tanggol Unang Wika, nagpetisyon sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang R.A. 12027

Tanggol Unang Wika, nagpetisyon sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang R.A. 12027
Photo Courtesy: Joel Costa Malabanan (FB)

Naghain ng petisyon ang Tanggol Unang Wika para ipawalang-bisa ang Republic Act 12027 o “Enhanced Basic Education Act of 2013" na nagmamandatong ihinto ang paggamit ng mother tongue bilang wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.

Ayon sa Tanggol Unang Wika, nilalabag umano ng R.A. 12027 ang Saligang-Batas kabilang na ang karapatan sa due process at pantay-pantay na pagtingin sa batas (Art. III, Sec. 1), kalayaan sa pagpapahayag (Art. III, Sec. 4), at ang karapatang matuto sa pamamagitan ng sariling wika (Art. XIV, Sec. 7).

Sa isang Facebook post ng gurong si Joel Costa Malabanan noong Lunes, Hunyo 30, iginiit umano ng mga petisyoner na labag sa Saligatang-Batas ang R.A. 12027 at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

“Tinatanggal ng R.A. 12027 ang rekisitong gamitin ang mother tongue bilang asignatura at midyum ng pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3,” saad sa caption.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Dagdag pa rito, “Pinapababa nito ang halaga ng wika ng bata sa tahanan o home language, at ginagawang opsyonal —sa kabila ng malinaw na ang paggamit ng mother tongue ay nagpapahusay sa pagkatuto, pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay, at pagtiyak na walang maiiwan.”

Kaya naman umapela ang grupo sa Korte Suprema upang mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) o Writ of Preliminary Injunction na pansamantalang magpapahinto sa implementasyon ng naturang batas na nagsimula noong Hunyo 2025.

Matatandaang Oktubre 2024 nang tuluyang maisabatas ang R.A. 12027 matapos ang hindi pag-aksyon dito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantala, nauna nang tumutol ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika sa pagpapatupad nito.

MAKI-BALITA: Tanggol Wika, tinutulan pagpapatigil sa mother tongue bilang wikang panturo

Inirerekomendang balita