January 05, 2026

Home BALITA Metro

Solidaridad Bookshop, nabenta ng mas mababa sa ₱35M

Solidaridad Bookshop, nabenta ng mas mababa sa ₱35M
Photo Courtesy: F. Sionil Jose, Solidaridad Bookshop (FB)

Naipagbili na ang Solidaridad Bookshop na pagmamay-ari noon ng namayapang si National Artist F. Sionil Jose na kalauna’y pinangasiwaan ng pamilya nito.

Sa ulat ng The Flames nitong Martes, Hulyo 1, kinumpirma ng anak ni Sionil na si Antonio Jose na naibenta na rin mismo sa parehong araw na binanggit ang bookshop.

“Hindi umabot ng 35 [million] — kasama ‘yong mga books, mga furnitures… lahat ng naka-display… puwera ‘yong mga artworks. Hindi kasama,” saad ni Antonio.

Matatandaang nauna nang naiulat ang tungkol sa planong pagbebenta sa bookshop noong Linggo, Hunyo 29.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

Ayon kay Antonio, wala raw sa kanilang magkakapatid ang may kakayahang mamahala ng Solidaridad dahil pare-pareho na silang tumatanda.

Bukod sa mga libro, nagsilbi ring tahanan ang Solidaridad ng mga manunulat para makapagtalakayan ng mga isyung may kinalaman sa lipunan at politika.

MAKI-BALITA: Bookshop ni National Artist F. Sionil Jose, ibebenta na!