January 26, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Pinay chef, ibinahagi natanggap niyang financial benefits sa panganganak sa SoKor

Pinay chef, ibinahagi natanggap niyang financial benefits sa panganganak sa SoKor
photo courtesy: Chef Obang/FB

Ibinahagi ng isang Pinay chef at food vlogger na si Chef Obang ang naging karanasan niya at mga natanggap niyang benepisyo nang manganak siya sa South Korea. 

Sa isang Facebook post noong June 29, ibinahagi ni Chef Obang na dapat June 30 pa siya manganganak ngunit napaaga ito ng tatlong araw, June 27. Via Cesarean section siya nanganak dahil suhi raw ang kaniyang anak. 

"Pagdating namin [sa hospital] pinagpalit agad ako ng damit, chineck agad BP ko, ang heartbeat ni baby, kung ilang cm na ako, tapos ultrasound, kinabitan na ako ng catheter, tapos epidural (anesthesia na tinutusok sa spinal cord) then ayon C-section na," saad ni Chef Obang.

"Walang sinayang na oras ang nurses at doctors. Ang bilis ng pangyayari. Pero nag-panic attack ako nahirapan ako huminga, gusto ko sumuka. Gusto ko ng oxygen. Pero unti-unti akong kumalma since pumasok ang asawa ko sa operating room while on going ang C-section. Pagrinig ko sa iyak ng anak ko, umiyak na rin ako. Nag-iyakan kami mag-ina hehe. Pumasok agad sa isip ko yung pagmamahal, responsibility at kung paano ko siya alagaan," dagdag pa niya.

Human-Interest

ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

Sa pagkukwento niya, sinabi niyang dalawang linggo silang mag-stay sa ospital kahit na walang problema sa kanila ng kaniyang anak. Ganoon daw talaga sa South Korea. Bukod dito, ibinahagi rin ni Chef Obang ang mga financial benefits na natanggap at matatanggap niya mula sa gobyerno ng nabanggit na bansa. 

"Mag-stay kami dito ng minimum 2 weeks sa hospital. Wala pong problema sa akin or kay baby. Ganito lang talaga ang korean service. Sila na rin mag aalaga kay baby para naman makabawi bawi ang nanay kahit papano," kuwento ng food vlogger. 

"Before ako nanganak nagbigay ng 40,000 pesos voucher ang government para pang check up, pambili ng gamot at vitamins. May congratulatory money na 80,000 pesos voucher pagkatapos ko manganak na pwede gamitin kahit sa grocery at online, 40,000 cash from city hall at buwan-buwan magbibigay ang government ng 40,000 pesos cash para sa needs ni baby. Malaki kasi privilege rito ng babies, priority ng government ang mga bata gawa ng mababa ang birth rate ng South Korea," dagdag pa niya.

Samantala, sa huling bahagi ng post, ikinuwento rin niya kung paano naging maalaga sa kaniya ang kaniyang Korean husband. Kaya, aniya, sa mga kababaihan: "Kaya choose wisely! Wag yung lalakeng sa umpisa pa lang dami ng red flag, 'okay na to' or 'bahala na mahal ko naman'. Tandaan, mawawala ang pag mamahal pag hindi ka tinatrato ng tama, masasayang ang buhay mo sa pagtitiis."

"Mag-isip at pumili nang maayos. Wag magmadali kasi mahirap ang marriage life pag sa maling tao ka napunta. Imbis safe place mo ang partner mo, dagdag laban pa sa buhay. Madaming mababait sa mundo kaya piliin natin yung mabait sayo at mabait sa lahat. Yung sensitive sa feeling mo. Yung lalaking nandyan sa hirap at ginhawa. Yung mas mamahalin ka pa, aalagaan, susuportahan sa oras ng pangangailangan at kagipitan. Yung lalakeng kalma, mataas ang pasensya at irerespeto ka pa rin kahit galit pa yan. Yun lang po."

Habang isinusulat ito, umabot na sa mahigit 255K shares, 41.8K comments, at 7.1K shares ang post ni Chef Obang.