Ano nga bang real-score sa pagitan nina Kapamilya actor Jameson Blake at Kapuso star Barbie Forteza?
Sa latest Instagram post kasi ni Jameson noong Lunes, Hunyo 30, makikita ang mga larawan nila ni Barbie na magkasama sa isang running event sa Pampanga.
“Good run and pure fun #CabalenHalfMarathon,” saad ni Jameson sa caption.
Hindi naman nagpahuli si Barbie dahil nilagay niya sa Instagram story ang post ng aktor.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"soft launch ba 'to"
"Ayeeehhhh, Sila na yata minayday na ni barbie SI Jameson . Ito talagang bagay Sila kumpara ky David hahaha."
"teka lang naman talaga may chemistry ehhhh "
"Bat ako kinikilig sa kanila HAHAHAHAHAHAH "
"My inner Toni Gonzaga is asking: Ooaahh… what is the meaning of this? "
"Kayo na po ba ni Ms. @barbaraforteza ?"
"Wala namang masama, wala naman. Pareho ko kayong mahal if ever man kahit Barda ako hahahah"
Samantala, lalo pang nawindang ang ilang netizens matapos makita ang iba pang larawan nina Barbie at Jameson na magka-holding hands at magkaakbay.
Pero sa ngayon, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang dalawa para kumpirmahin o itanggi ang intrigang umaaligid sa kanila.