December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, binilinan ang BINI hinggil sa pagsosyota

Ogie Diaz, binilinan ang BINI hinggil sa pagsosyota
Photo Courtesy: Ogie Diaz, BINI (FB)

Nagbigay ng motherly advice si showbiz insider at talent manager Ogie Diaz para sa bawat miyembro ng Nation’s girl group na BINI.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Hunyo 30, sinabi ni Ogie na mas mabuti umanong huwag na muna nilang isapubliko ang lovelife kung sakali mang masosyota sila.

“Pagka buo ‘yong grupo ninyo, pinagpaguran n’yo ‘yan, namnamin n’yo ‘yan at the same time, pahabain n’yo pa ‘yong inyong pag-stay dito sa industriya bago kayo maghiwa-hiwalay o lumagay sa tahimik ‘ika nga,” saad ni Ogie.

“Kung magsosyota kayo, pwedeng ‘wag n’yo munang ipakilala,” pagpapatuloy niya. “Alam n’yo naman, may mga fans kayong lalaki, gusto nila, ilusyon nila, pantasya nila, kayo ‘yong mapangasawa.”

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Dagdag pa ni Ogie, “‘Pag mayro’n kasi kayong syota-syotang pinapakilala ninyo e mao-off din ‘yong iba.”

Kaya naman—ayon sa showbiz insider—mas mabuting mag-ipon muna sa ngayon at lalong palaguin ang pangalan ng kanilang grupo.