December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nagmukha kaming kriminal!' Vice Ganda, Ion walang nakikitang mali sa 'icing incident'

'Nagmukha kaming kriminal!' Vice Ganda, Ion walang nakikitang mali sa 'icing incident'
Photo courtesy: Screenshot from KC After Hours, It's Showtime (YT)

Hanggang sa ngayon daw ay hindi nakikitang mali nina Vice Ganda at Ion Perez ang pagkain ng icing ng huli sa isang segment ng "It's Showtime," na naging dahilan kung bakit sila napatawan ng 12-day suspension noong 2023.

Ibinunyag kasi ng Unkabogable Star na regular silang nagpapakonsulta sa psychiatrist ng kanyang asawa na si Ion bilang bahagi ng kanilang pagsusumikap na mapanatiling matatag ang kanilang relasyon matapos harapin ang ilang pagsubok, gaya ng pandemya, at sa nabanggit na suspensyon ng programa.

Sa panayam sa vlog ng ANC news anchor na si Karmina Constantino, ikinuwento ni Vice na dumaraan sila sa therapy, lalo na noong kainitan ng isyu kaugnay ng pansamantalang pagsuspinde ng MTRCB sa noontime show. Ang nasabing parusa ay ipinatupad kaugnay ng isang segment ng programa na ipinalabas noong Hulyo 25, 2023, kung saan makikitang kumain ng icing mula sa daliri si Ion at humirit naman dito si Vice Ganda na pakainin din siya.

Kinuwestiyon ng ilang manonood at maging ng social media personality na si Rendon Labador ang “pagiging angkop” nito para sa general viewing public, lalo na’t tanghali ito ipinalalabas at may mga batang nanonood.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

KAUGNAY NA BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: 'Huwag sa show ng mga bata!'

Ayon sa MTRCB, ang eksenang ito ay hindi umano akma sa “moral standards” na dapat sundin ng mga palabas sa telebisyon, lalo na sa oras ng tanghalian kung kailan bukas ito sa lahat ng edad.

KAUGNAY NA BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

KAUGNAY NA BALITA: ‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

Naglabas ng pahayag ang ahensya na ang segment ay "indecent, inappropriate, and not suitable for children," kaya’t nararapat daw itong patawan ng kaukulang aksyon. Sinuspinde ang show mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, 2023 at pansamantalang pinalitan ng "It's Your Lucky Day" sa pangunguna ni Kapamilya host Luis Manzano.

Nagbunsod pa ito para sampahan sila ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP).

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, Ion sinampahan daw ng kasong kriminal ng ‘socmed broadcasters’

Ang insidenteng ito ay muling nagbukas ng diskurso tungkol sa censorship, artistic freedom, at kung paano tinitimbang ng mga regulatory body tulad ng MTRCB ang “moralidad” at “kabastusan” sa media.

Going back sa pagsisiwalat ni Meme Vice, sinabi niyang hanggang sa kasalukuyan, naniniwala sila ni Ion na walang mali sa kanilang ginawa.

"Nagte-therapy kasi kami. We regularly see a psychiatrist," anang Vice Ganda.

"Kasi ang dami naming pinagdaanan na pagsubok together... imagine mo 'yong na-suspend 'yong programa namin dahil sa ginawa namin. Na para sa amin hanggang ngayon, wala kaming nakikitang mali sa ginawa namin. Tapos nagmukha kaming kriminal, tapos nagkaroon kami ng criminal case because of that," aniya pa. 

Sa isang bahagi ng therapy session, hindi napigilang maging emosyonal ni Vice nang ibahagi ng psychiatrist kung gaano siya kamahal ni Ion. Ayon kay Vice, pinasulat si Ion ng panalangin, at nang matapos ito, natuklasan niyang lahat ng nilalaman ng dasal ay patungkol sa kanya.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, Ion Perez regular na kumokonsulta sa psychiatrist

Ibinahagi rin ni Vice na matindi ang guilt na naramdaman ni Ion kaugnay ng nangyari sa programa.