December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kobe Paras may dine-date na namang ibang bebot?

Kobe Paras may dine-date na namang ibang bebot?
Photo courtesy: Screenshots from secretmagnolia99 (TikTok)/via Fashion Pulis

Usap-usapan ang kumakalat na TikTok video ng isang netizen kay celebrity basketball player Kobe Paras na tila may kasamang babae sa isang mall kabang ka-holding hands.

Ibinahagi ang screenshots ng mga larawan ni Kobe at "mystery girl" sa entertainment site na "Fashion Pulis."

Kaya naman, napapatanong ang mga netizen kung sino nga ba ang nabanggit na babae, dahil mukhang hindi naman siya ang na-link na special friend, ang social media personality-singer na si Rhaila Tomakin, na itinangging may relasyon sila ni Kobe pagkatapos ng break-up nila ni Kapuso star Kyline Alcantara.

Saad pa ni Rhaila, wala raw silang relasyon ni Kobe at hindi raw siya third party kung bakit naghiwalay sina Kobe at Kyline.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Nang matanong naman si Rhaila kung may posibilidad na magustuhan niya si Kobe kung sakaling manligaw sa kaniya, sinabi niyang wala raw siya sa posisyon para magsabi ng "No," dahil ang mangyayari daw ay "God's will." Sa ngayon daw, nakapokus muna siya sa career at pag-aaral.

Nang matanong naman kung in a relationship siya ngayon, sinabi niyang single siya at ready to mingle.

Anyway, sinabi na lamang ng mga netizen na huwag nang pakialaman pa si Kobe at gawin niya ang gusto niyang gawin sa buhay niya habang single pa siya.