Ibinahagi ng newly-wed couple na sina Kiefer Ravena at Diana Mackey kung paano nga ba nagsimula ang love story niilang dalawa.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Hunyo 30, sinabi ni Kiefer na hiniritan umano niya si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa na kausapin si Diana para replyan nito ang mga message niya.
Aniya, “We have our cupid, e. [....] Si MJ Lastimosa. I’ve been good friends with MJ for a long time.And sabi ko sa kaniya, ‘Uy, MJ, sabihin mo naman kay Diana mag-reply siya.’”
“Matagal na siyang nagme-message sa akin,” segunda ni Diana. “Hindi ko pinapansin kasi sabi ko sa sarili ko before, I would never date a basketball player. Ayaw ko talaga. Siyempre there’s just a stigma ‘di ba.”
Pero sa huli, natuklasan naman daw ni Diana na malayo si Kiefer sa inaakala niya noon.
“Okay naman pala siya. Hindi naman pala gano’n. Medyo naawa nga ako no’ng una. I almost did not entertain him at all,” ani Diana.
At ngayon nga ay mag-asawa na ang dalawa. Matatandaang ikinasal sila noong Hunyo 11.
MAKI-BALITA: Kiefer Ravena at Diana Mackey, kasal na!