December 13, 2025

Home BALITA

DILG, binasbasan na si Baste para maupong acting mayor ng Davao

DILG, binasbasan na si Baste para maupong acting mayor ng Davao
Photo Courtesy: DILG, Baste Duterte (FB)

Opisyal nang pamumunuan ni Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang siyudad ng Davao bilang acting mayor sang-ayon sa direktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Ayon sa pahayag ng DILG nitong Martes, Hulyo 1, nakaugat umano ang atas na ito sa Section 46(a) ng  Local Government Code kung saan malinaw na nakasaad na ang vice mayor umano ang awtomatikong hahalili sa posisyon ng mayor sa panahon ng kawalan nito ng kakayahang mamuno sa pisikal o legal na aspekto man.

“You are hereby enjoined to perform the duties and functions of Mayor of Davao City to prevent paralysis of government operation,” saad sa ipinadalang liham ni Remulla kay Duterte.

Matatandaang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nanalong mayor ng Davao sa ginanap na 2025 midterm elections. 

Bagong item sa electric bill, dagdag-bayarin ng mga Pinoy pagpasok ng 2026

Kasalukuyan pa rin nakapiit sa The Hague,  Netherlands ang dating pangulo dahil sa kaso nitong crimes against humanity.

Gayunman, kinumpirma umano ng Commission on Elections (COMELEC) ang proklamasyon ng pagkaalkalde ng dating pangulo sa kabila ng pagliban nito.

Samantala, mauupo namang vice mayor ng Davao si first-ranked Sangguniang Panlungsod Member Rodrigo Duterte II sang-ayon sa Administrative Order No. 15, series of 2018.