December 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Vico Sotto, hindi tatakbo sa anumang gov't position sa 2028

Vico Sotto, hindi tatakbo sa anumang gov't position sa 2028
Pasig PIO/FB screenshot

Maagang idineklara ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno sa 2028 elections.

Ito na ang ikatlo at huling termino ni Sotto bilang alkalde ng Pasig. 

Sa kaniyang panunumpa bilang reelectionist mayor ng Pasig nitong Lunes, Hunyo 30, sinabi ni Sotto ang isa sa mga bagay na hindi niya raw sinabi noong panahon ng kampanya sa nagdaang eleksyon 2025. 

"May mga bagay na hindi ko puwede sabihin noong panahon ng pangangampanya. Baka kasi sabihin political motive... syempre kapag political season mahirap magsalita e, sabihin 'politika lang 'yan'," saad ni Sotto sa kaniyang talumpati.

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

"Ngayon wala nang politika. 2028 hindi ako tatakbo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo. Kaya malaya akong gawin kung ano ang tingin ko ang tama. Ni hindi n’yo masasabihan na may bahid ng politika," dagdag pa niya.

Sa parehong talumpati, inihayag din ng alkalde ang pasasalamat sa mga Pasigueño.

BASAHIN: Mga bagong-halal na opisyal ng Pasig, nanumpa na!

Samantala, kasama ni Sotto sa panunumpa bilang alkalde ang kaniyang amang si Vic Sotto at ina na si Coney Reyes.