December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, ‘di papayag lumubog ang 'Showtime'

Vice Ganda, ‘di papayag lumubog ang 'Showtime'
Photo Courtesy: Screenshot from KC After Hours (YT), It's Showtime (FB)

Ipaglalaban daw ni Unkabogable Star Vice Ganda ang “It’s Showtime” tulad ng kung paano niyang ipinaglalaban ang sarili niyang buhay. 

Sa latest episode kasi ng “KC After Hours” kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa kondisyon ng nasabing noontime show sa kasagsagan ng pandemya at ABS-CBN shut down.

“I will never allow that family or that program just vanish, or just lose. I will never allow ‘Showtime’ to lose. I will fight for it just like fighting for my life.

“Because ‘Showtime’ is my life now. I’m so obsessed to it,” pagpapatuloy niya. “Kaya sabi ko nga, this is fighting for my life because this is my life. So, I will not allow my life to be just wasted; ‘yong parang naglaho na lang siya tapos what happened.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Dagdag pa niya, “Ise-save ko siya [Showtime]. Lahat ng kaya kong gawin, ise-save ko siya. Ise-save ko ‘yong mga kasama ko sa bahay na ‘yon.”

Ayon sa Unkabogable Star, marami umanong naidulot ang “Showtime” sa buhay niya bagama’t hindi raw niya mapangalanan lahat ng ito.

Matatandaang Mayo 2020 nang tuluyang mawalan ng bisa ang 25-taong legislative franchise ng ABS-CBN Corporation matapos mag-”no” ang 70 kongresista sa pagbibigay ng prangkisa.

Pero sa kabila nito, umeere pa rin naman sa telebisyon ang “Showtime” matapos nilang makahanap ng bagong tahanan sa balwarte ng GMA Network.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!