Isiniwalat ni Manila City Mayor Isko Moreno na umabot na raw sa ₱950 milyon ang utang ng lungsod sa isang waste management corporation.
Sa ginanap na unang press conference ni Moreno bilang bagong halal na alkalde nitong Lunes, Hunyo 30, tinalakay niya lumalalang problema ng Maynila sa basura.
Aniya, “From ₱561 million, today as we speak, ₱950 million na ang bayarin sa basura. Katulad ng naisaad ng isa sa contractor ng basura, January lang sila binayaran.”
Gayunman, pinakiusapan na raw ni Moreno ang Leonel Waste Management Corporation upang kolektahin ang mga basura sa buong Maynila nang libre gamit ang lahat ng rekurso nito.
“Buong kababaang-loob akong nakiusap sa Leonel Waste Management, we utilize all the resources existing or available, to be dedicated in the entire city of Manila. Salamat naman at positibo itong tutugunin ng Leonel–for free!” saad ng alkalde.
Matatandang isa ang isyu ng basura sa naturang lungsod ang ibinala ni Moreno sa kaniyang pangangampanya na mariin namang binuweltahan ni outgoing Manila Mayor Honey Lacuna.
KAUGNAY NA BALITA: Sey ni Mayor Lacuna: 'Hindi po dugyot ang Maynila'