December 15, 2025

Home BALITA

Torre sa mga pulis na umano'y sangkot sa isyu ng missing sabungeros: 'Everyone is protected!

Torre sa mga pulis na umano'y sangkot sa isyu ng missing sabungeros: 'Everyone is protected!
Photo courtesy: MB file photo, Pexels

Nagbigay ng mensahe si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre sa isyung sangkot umano ng ilang pulis sa pagkamatay ng mga nawawalang sabungero.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Hunyo 30, 2025, isang maikling mensahe ang isinagot ni Torre nang tanungin kung ano raw ang kaniyang masasabi kung sakaling totoong sangkot ang mga pulis sa nasabing isyu.

"We'll ensure that the rights of everyone is protected," ani Torre.

Matatandaang kamakailan lang nang inihayag ng nagpakilalang whistleblower na si alyas "Totoy" na ilang miyembro raw ng PNP ang ang sangkot sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungerong itinapon umano sa Taal Lake.

National

'Di kita pinahihinto sa trabaho mo, ikaw humihinto sa trabaho namin!'—Sen. Imee kay DPWH Sec. Dizon

KAUGNAY NA BALITA: 34 nawawalang sabungero, ilang drug lords, itinumba at inilibing sa Taal Lake

Kaugnay nito, iginiit din ni Torre ipinauubaya na raw nila sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang imbestigasyon sa kanilang hanay, bagama't nakahanda pa rin daw silang makipagtulungan tungkol sa nasabing isyu.

"We will provide them with whatever information or support or manpower that they will require from us," anang PNP Chief.