January 09, 2026

Home BALITA

Tawilis, Tilapia sa Taal Lake, ligtas kainin—BFAR

Tawilis, Tilapia sa Taal Lake, ligtas kainin—BFAR
Photo courtesy: Pexels

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatiling ligtas kainin ang mga isda sa Taal Lake, kasunod ng mga ulat na doon umano itinapon ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero.

KAUGNAY NA BALITA: Bentahan ng isda, apektado dahil sa mga nawawalang sabungerong itinapon sa Taal Lake

Ayon kay BFAR chief information officer Nazzer Briguera, pawang plant-based planktons lamang ang kinakain ng mga isdang nasa taal partikular na ang tawilis na primaryang matatagpuan sa nasabing lawa.

"Wala pong dapat ipangamba kasi unang una, itong tawilis, small pelagic fish po siya at ang pagkain niya nga po, ‘yung mga planktons na kabilang na diyan yung mga plant-based planktons, at hindi po sila masabi nating carnivorous," ani Briguera.

National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42

Matatandaang kamakailan lang ng umugong ang balitang apektado na raw ang bentahan ng mga isda sa Taal Lake matapos pumutok ang rebelasyon ng isang whistleblower na doon umano pinalubog ang mga bangkay ng nawawalang sabungero at ilan pang landlords gamit ang sandbag.

KAUGNAY NA BALITA: Bangkay ng mga nawawalang sabungero, itinali sa sandbag para lumubog sa Taal Lake

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy, kung sakaling magbigay na ng utos ang Department of Justice (DOJ) na tuluyan ng sisirin ang Taal Lake para sa posibleng retrieval ng bangkay ng mga biktima.

KAUGNAY NA BALITA:  DOJ makikipagtulungan sa PCG, Navy para sa mga nawawalang sabungerong inilibing sa Taal Lake