December 13, 2025

Home BALITA Metro

QC, bagong pamantayan ng local government —Belmonte

QC, bagong pamantayan ng local government —Belmonte
Photo Courtesy: Screenshot from Quezon City Government (FB)

Buong pusong ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga tagumpay ng kaniyang lungsod na pinamumunuan simula noong 2019.

Sa ginanap na inaugural ceremony para sa mga bagong halal na opisyal ng lungsod nitong Lunes, Hunyo 30, sinabi ni Belmonte na ang Quezon City umano ang bagong pamantayan ng local government.

“Six years and two terms later, I stand again before all of you, proud of the gains we have made together and humbled by the overwhelming mandate granted by the people of Quezon City. This is a gift that we must not take lightly,” saad ni Belmonte.

“Malinaw ang mandato na ipinagkaloob ng mga mamayan ng Lungsod Quezon,” pagpapatuloy niya. “Pahiwatig ito na tama ang landas na ating tinatahak at nararamdaman na ng ating mga kababayan ang mga pagbabagong ating pinagsikapan.”

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Dagdag pa ng punong-lungsod, “At its best, governance is the language of hope. Over just six years, we have established a reputation as bearers of that hope. Not only for our people; but for the rest of the nation. We can proudly say is now the standard of local government.”

Si Belmonte ay kumandidato sa ilalim ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) para sa kaniyang ikatlo at huling termino kasama ang vice mayor niyang si Gian Sotto.

MAKI-BALITA: Belmonte, Sotto muling tatakbong mayor at vice mayor ng Quezon City