December 13, 2025

Home BALITA National

Price rollback sa produktong petrolyo, epektibo sa July 1

Price rollback sa produktong petrolyo, epektibo sa July 1
GAS (MB FILE PHOTO)

Tila makakahinga-hinga ang mga motorista dahil magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Hulyo 1.

Ayon sa abiso ng Department of Energy (DOE) noong Biyernes, Hunyo 27, bababa ng ₱1.60 hanggang ₱2.10 kada litro ang diesel, na halos pumalo ng ₱5 kada litro nitong linggo.

Ang kerosene naman ay inaasahang bumaba ng ₱2 hanggang ₱2.20 kada litro, habang ang gasolina naman ay bababa ng ₱1 hanggang ₱1.40. 

Dagdag pa ng DOE, ang roll-back na ito ay dahil sa ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel nito ring linggo. 

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza