December 13, 2025

Home BALITA Politics

'Payong kapatid!' Sen. Erwin, sasama kay Sen. Raffy sa majority; suportado si SP Chiz?

'Payong kapatid!' Sen. Erwin, sasama kay Sen. Raffy sa majority; suportado si SP Chiz?
Photo courtesy: Manila Bulletin

Inihayag ni Sen. Erwin Tulfo na sinunod niya raw ang payo ng kaniyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo na sumama sa mayorya ng Senado.

Sa kaniyang unang press briefing bilang senador nitong Lunes, Hunyo 30, 2025, ibinahagi niya ang naging payo raw sa kaniya ng kapatid na si Sen. Raffy hinggil sa pagpili ng paksyon sa Senado at susuportahang Senate President sa 20th Congress.

“Sabi ni Sen. Raffy ‘majority tayo.’ Kasi sa majority usually may mga utos sa taas na tulungan ang administrasyon, para walang kontra, sa majority tayo, 'di ba? I'm with Alyansa, so expected n'yo na I will be in majority," ani Sen. Erwin.

BASAHIN: Senator-elect Erwin Tulfo, kinumpirma panliligaw nina Escudero, Sotto para sa suporta maging Senate President

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Bagama’t hindi direktang sinagot kung si Sen. Chiz Escudero ang kaniyang susuportahan sa pagka-Pangulo ng Senado, saad ni Tulfo, “I said I'm with, I'll be in the majority. 'Di ba usually yung majority is doon kinukuha yung Senate Presidency?"

Dagdag pa ni Tulfo, "Weighing things and talking to my brother, my brother said 'let's go for the majority kasi maraming gusto ang Pangulo na dinadaan sa majority…’ So I guess, we'll go with the majority.”

Matatandaang naging matunog ang mga pangalan ni Escudero at Sen. Tito Sotto sa dalawang senador na posible umanong maglaban sa pagka-Senate President. 

Samantala, nitong Lunes din, Hunyo 30, nang nilinaw ni Sotto na bukas aniya siyang maging lider ng mayorya kung sakaling tumagilid siya sa bilang na makukuha para sa pagiging Pangulo ng Senado.

KAUGNAY NA BALITA: 13 senador, 'backer' na ni Tito Sotto sa pagiging Senate President—Lacson