January 08, 2026

Home SHOWBIZ

Paul Salas, babawi sa babaeng 'na-fall'

Paul Salas, babawi sa babaeng 'na-fall'

"Na-FALL Salas?"

Humingi ng pasensya ang aktor na si Paul Salas kaugnay sa babaeng sumemplang sa pag-upo nang bigla niyang kunin ang monobloc chair na uupuan sana nito.

BASAHIN: Paul Salas, pa-fall sa babae

"Hindi naman kasi sa akin ang upuan kuha ako [nang] kuha pasensya minamahal kong binibini at hindi ko napansin eh upuan mo pala yun bawi ako sayo i love you!!!" saad ni Paul sa isang Facebook post nitong Linggo, Hunyo 29.

'Tinupad ko promise ko kay Lord!' Darryl Yap ibinahagi 'dishonesty' niya sa Honesty Store noon, pero bumawi na

Sey pa niya, "Mabuti at okay ka at sana nag enjoy ang lahat ng taga Brookes Point Palawan love you guys!"

Bukod dito, sey pa ni Paul sa comment section: "Wag kasi mag pa fall kay paul deliks! Aray ko!!"