January 06, 2026

Home BALITA Eleksyon

Mga bagong-halal na opisyal ng Pasig, nanumpa na!

Mga bagong-halal na opisyal ng Pasig, nanumpa na!
Pasig PIO/FB screenshot

Nanumpa na ang mga bagong-halal na opisyal ng Lungsod ng Pasig nitong Lunes, Hunyo 30, sa pagsisimula ng kanilang tatlong taon na termino. 

Isinagawa ang panunumpa at turnover ceremony ng mga bagong-halal sa South Drive, Bridgetowne sa Pasig nitong Lunes ng umaga. 

Matatandaang nanalo sa 2025 local elections ang buong partido ni Pasig City Mayor Vico Sotto na "Giting ng Pasig" laban sa "Team Kaya This" ni Sarah Discaya. 

BASAHIN: Vico Sotto at mga kaalyado, wagi sa Pasig

Eleksyon

Comelec: Mahigit 900K botante rehistrado na para sa BSKE 2026

Sa kanilang panunumpa, kasama ng mga bagong-halal ang kani-kanilang pamilya.

Kasama ni Mayor Sotto ang kaniyang amang si Vic Sotto at ina na si Coney Reyes. Kasama naman ni Vice Mayor Dodot Jaworski ang kaniyang may-bahay na si Mikee Cojuangco. At ang kasama naman ni Congressman Roman Romulo ay ang kaniya ringa asawa na si Shalani Soledad.

"Sa mga Pasigueño na naniwala sa direksyon natin, naniniwala sa direksyon na tinatahak natin ngayon bilang isang lungsod, sa lahat ng nagpagawa ng t-shirt, sa lahat ng nagpagawa ng kaniya-kaniyang tarpaulin, sa lahat ng nagpagawa ng head band, nag-edit ng video, nag-post sa social media, sumigaw sa kalsada, at kung ano-ano pa—maraming maraming salamat sa inyo," saad ni Sotto sa kaniyang talumpati. 

"Ang Giting ng Pasig ay hindi lang po ako o ang ating Congressman Roman, Vice Mayor Dodot, o ating mga konsehal—ang Giting ng Pasig ay ang bawat isang Pasigueño na patuloy na lumalaban para sa pagbago at reporma ng ating mahal na lungsod," dagdag pa niya. 

Inirerekomendang balita