Patay ang mag-asawang senior citizen matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Taculing, Bacolod City nitong Lunes ng umaga, Hunyo 30, 2025.
Ayon sa mga ulat nasa edad ang 81-taong gulang ang lalaking biktima na bed-ridden habang 80 anyos naman ang kaniyang asawa.
Sa ilalim ng kaniyang nasunog na medical bed na lamang daw natagpuan ang bangkay ng matandang lalaki habang sa kusina naman narekober ang mga labi ng kaniyang misis.
Tinatayang aabot sa ₱3 milyon ang halaga ng pinsala sa bahay ng mga biktima habang patuloy naman inaalam ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog.
Samantala, nanawagan naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na huwag umanong hayaang walang kasama sa bahay ang lahat ng senior citizens at persons with disability (PWD) upang maiwasan ang aksidente.