December 16, 2025

Home BALITA

‘Lagot!' Tinatayang 700 tabachoy na pulis, naitala sa Bicol!

‘Lagot!' Tinatayang 700 tabachoy na pulis, naitala sa Bicol!
Photo courtesy: via PNP, Pexels

Umabot ng 751 na matatabang pulis ang nai-record ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa buong buwan ng Hunyo 2025.

Ayon sa ulat ng ahensya, nasa Probinsya ng Albay ang may pinakamarami umanong pulis na matataba batay sa body mass index (BMI) na aabot sa 197. Sinundan ito ng Camarines Sur na may 158, habang 30 pulis naman ang mula sa Regional Headquarters; at 25 miyembro ng kapulisan ang mula sa Regional Mobile Force Battalion.

Mayroon daw apat na sinusunod na kategorya ang PRO 5 pagdating sa BMI katulad na lamang ng underweight, normal, overweight at obese.

Bunsod nito, hinikayat naman ng naturang ahensya ang kanilang rehiyon tungkol sa pag-eehersisyo ng kani-kanilang hanay tuwing Martes at Huwebes, upang masunod ang direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chif Nicolas Torre sa mga matatabang pulis. 

Eleksyon

Comelec: Mahigit 900K botante rehistrado na para sa BSKE 2026

Matatandaang isa sa mga direktiba ng liderato ni Torre sa PNP ang pagbabawal niya raw ng mga matatabang pulis at mga hindi asintadong tauhan ng ahensya.

KAUGNAY NA BALITA:Bagong utos ni Torre sa kapulisan: Bawal ang bochog, dapat sharp shooter!

Samantala, nilinaw naman ng PRO5 na hindi nila sisibakin ang mga pulis na naitalang sumobra sa kani-kanilang mga timbang.