Game na game na pinatulan ni award-winning actress Elizabeth Oropesa o “La Oro” ang kontrobersiyal na tanong ng dalawang TV host na sina Stanley Chi at Janno Gibbs.
MAKI-BALITA: La Oro, nanghinayang; kulang sa bembang noong kabataan
Sa latest episode kasi ng “The Men’s Room” kamakailan, pinapili si La Oro kung sino umano kina Derek Ramsay, Piolo Pascual, at Dingdong Dantes ang gusto niyang maka-one night stand, pakasalan, at maging boyfriend.
Sagot ni La Oro, “Siyempre si Derek ang pang-one time. Kahit pa two times, e. ‘Yan talaga ang regret ko kasi I should have had more sex when I was younger. Kulang, e.”
“Pero alam mo kung sinong papakasalan ko?” pagpapatuloy ng aktres, “Si Piolo. Si Dingdong parang anak ko ‘yan, e. Hindi ko maubos maisip na maging boyfriend ko, e. Si Piolo papakasalan ko kasi tahimik.”
Dagdag pa niya, “Saka masculine ako, kailangan ko ‘yong medyo mahinhin nang konti. Kailangan ko ng somebody like Piolo because when he’s started, kami ang magkasama sa ‘Esperanza.’”
Hindi ito naiwasang itanong nina Janno at Stanley dahil ayon kay La Oro, halos lahat daw ng nakatrabaho niyang artista noon ay nanligaw sa kaniya maliban kay “Fernando “Da King” Poe, Jr.
“Kasi si Kuya Ronnie [Da King] ang tawag sa akin ay ‘boy.’ Very masculine daw ang dating ko. Ako lang ang hindi pinagselosan ni Ate Swanie [Susan Rocess].”
Pero sa isang panayam noong Marso 2024, inamin ni La Oro na sa lahat ng nakahalikan niyang leading man, si Da King daw ang pinakamasarap tumuka.
MAKI-BALITA: 'Parang Belgian chocolate!' FPJ masarap humalik, buking ni La Oro