Nagbigay ng pahayag si Akbayan Partylist Rep. Atty. Chel Diokno matapos siyang magbitiw bilang chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG).
Ang FLAG ay ang itinuturing na pinakamatandang human rights lawyer network sa Pilipinas. Itinatag ito ng mga dating senador na sina Jose W. Diokno, Lorenzo M. Tañada Sr., at Joker P. Arroyo noong 1974.
Sa latest Facebook post ni Diokno nitong Lunes, Hunyo 30, sinabi niyang isa umanong karangalan ang magsilbing pinuno ng nasabing organisasyon sa loob ng 22 taon.
“Sa mga kasama kong FLAG lawyers, it's been an honor and a pleasure to serve as your head; and to fight side by side with you for a cause greater than ourselves,” saad ni Diokno.
Dagdag pa niya, “One case at a time, from one community to the next, the struggle for dignity and freedom continues.”
Samantala, hahalili naman kay Diokno ang noo’y Supreme Court spokesperson na si Atty. Theodore Te na dating vice-chairman sa Luzon at regional coordinator ng FLAG sa Metro Manila.