December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Diana Mackey, nakunan

Diana Mackey, nakunan
Photo Courtesy: Diana Mackey, Nice Print Photo via Kiefer Ravena (IG)

Isiniwalat ni dating "Pinoy Big Brother" housemate-beauty queen Diana Mackey ang nangyari sa inaasahan sana nilang first baby ng asawa niyang si Kiefer Ravena, na isang basketball star.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Hunyo 30, sinabi ni Diana na nakunan umano siya ilang linggo matapos nilang ianunsiyo sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis niya.

"Shortly after announcing it, I think a week after announcing it or two weeks, we lost the baby, unfortunately, at seven weeks," saad ni Diana.

Pero sa kabila ng nangyari, optimistic pa rin si Kiefer. Ang mahalaga raw ay nasa maayos na kalusugan ngayon si Diana.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Ani Kiefer, “[Y]ou know God's plan, God's timing, best thing siguro that happened is now she's healthy. Hopefully, with God's grace, we could try again and see where it takes us.”

Matatandaang Marso 25 nang ipabatid nila sa publiko ang magiging panganay sana nila.

MAKI-BALITA: Kiefer Ravena, Diana Mackey magkaka-baby na!

Samantala, ilang buwan makalipas nito, Hunyo 11, ikinasal sina Diana at Kiefer.

MAKI-BALITA: Kiefer Ravena at Diana Mackey, kasal na!