May buwelta si Sen. Risa Hontiveros matapos manawagan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na patalsikin siya mula sa Senado.
Sa press briefing nitong Lunes, Hunyo 30, 2025, sinagot ni Hontiveros ang naturang pahayag ni Roque.
“Umuwi muna siya! Humarap muna siya rito sa Senado, haharapin ko siya kahit saan. Pero ngayon, bitawan na n'ya yung buhay pugante n'ya," ani Hontiveros.
Kamakailan lang nang iginiit ni Roque na dapat na umanong mapatalsik si Hontiveros mula sa Senado, matapos lumabas ang isang video ng nagpakilalang Senate witness na binayaran umano ng senadora laban kina Apollo Quiboloy at mga Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, pumalag sa akusasyong nagbayad ng Senate witness kontra FPRRD, VP Sara, Quiboloy
“Nakakasuka ka! At itong nangyari na ito na mayroon ng lumantad, nagpapatunay na wala kang karapatan na maglingkod. Kaya nga nananawagan ako. Kinakailangan mag-file ng ethics complaint diyan kay HontiVirus na 'yan, nang sa ganoon ay masipa na siya Senado,” ani Roque.
KAUGNAY NA BALITA: Roque, gigil na ipinanawagang patalsikin sa Senado si Hontiveros: Nakakasuka ka!
Samantala, kaugnay ng mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya, nanindigan naman ang senadora na papanagutin niya raw ang nasa likod ng pananakot lalo na raw kredibilidad ng mga testigong kaniyang inihaharap sa Senado.
KAUGNAY NA BALITA: 'Di sapilitan!' Paglapit ni alyas ‘Rene’ sa kaniyang tanggapan, inilabas ni Sen. Risa!